ng Bahay Saliksikan ng Bulacan ay sentro para sa pananaliksik. Ito’y programa ng Bulacan State University bilang ambag nito sa paglinang ng kaalaman at paspapanatili ng sarili nitong sining, kalinangan, kasaysayan at iba pang larangan na patungkol sa pag-aaral ng kabuuan ng Bulacan bilang lalawigan. Naglalayong ito na pagyamanin ang bigkis-panlipunan at makaambag sa pag-unlad ng pamayanan tungo sa pambansang pagkakakilanlan.
Ang mga Gawain nito ay nahahati sa limang pangkat gawain:
Limang Pangkat-Gawain
Pananaliksik (Research) na nakatuon sa pagtataguyod ng pamanang pangkalinangan o cultural ng Bulacan at pagbubuo ng mga datos na maaring batayan sa pagbalangkas ng mga patakarang pampubliko (informed public policies)
Edukasyon at Pamamahagi ng mga kasalukuyang diskurso sa agham panlipunan tungo sa pagbibigay- saligan ng mga kontemporaryong pananaw at kagawian
Paglalathala (Publication) ng mga bunga ng pagsasaliksik sa anumang larangan ng panlipunang proseso at institusyon, kasaysayan, sining, at kalinangang Bulakenyo
Pagtataguyod (Advocacy) ng sariling kalinangan bilang pagtuon sa anumang programang pangkaunlaran
Pakikipag-ugnay (Linkages) at Kolaborasyon sa ibang mga institusyon, kagawaran, at samahan upang mapag-isa ang mga gawaing nagtataguyod ng sining, kalinangan, at kasaysayan tungo sa pambansang kaunlaran at pagkakakilanlan
Sa makatuwid, ito ay naglalayong:
Magbigay-daan sa mga guro ng pamantasan at mga iskolar na Bulakenyo para sa kanilang pagkabantad sa mga kasalukuyang usapin at talakayan sa agham panlipunan na may kinalaman sa Bulacan. Gayundin ay magbukas ng pagkakataon para sa pagpapalawig ng mga gawaing pangkaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik, paglalathala, at bilang tagapagsalita sa mga panayam at komperesiya.
Maglathala ng mga aklat, sinaliksik, monograph, at talastasan tungkol sa sining, kalinangan, kasaysayan, at mga pamayanan ng Bulacan.
Makipag-ugnay sa mga sangay ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapaunlad ng nilalaman ukol sa kalinangan (kultura) ng kurikulum para sa mataas na edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay pagsasanay sa pagtuturo ng sining, kalinangan, at kasaysayang lokal at pambansa.
Gumawa ng mga modyul sa pagtuturo at manwal para sa mga guro para sa kasaysayang lokal ng Bulacan.
Magsagawa ng mga talakayan (round table discussions), mga panayam, at mga komperensya ukol sa sining, kalinangan, kasaysayan, sosyo-ekonomiko, at pampulitikang usapin ng Bulakan.
Magtipon ng batayang datos (baseline data) at komprehensibong impormasyon ukol sa Bulacan na magagamit ng sinumang mananaliksik at mapagbabatayan sa pagbalangkas ng mga patakarang pampubliko (informed public policies).
Maitatag ang matibay na ugnayan sa ibang mga institusyon, samahan, at ahensya ng pamahalaan na nakatuon sa pag-aaral ng sining, kalinangan, kasaysayang lokal, at kasaysayang bayan.
Paunlarin ang malayang daloy at palitan ng impormasyon at pananaliksik tungkol sa kasaysayang lokal sining, at kalinangan sa antas-lokal at pambansa.
Kilalanin ang gampanin ng mga katutubong tao sa Bulacan sa pagpapaunlad ng kalinangan ng lalawigan.
Magsulong ng mga programa upang pangalagaan ang mga nasasalat at `di-nasasalat na sining at pamanang pangkalinangan ng Bulacan.
Mangalaga ng museong magtatanghal at mag-iingat ng mga memorabilia ng pamantasan, at gayundin ng mga artifacts, mga makasaysayang kagamitan, mga larawang pangkasaysayan, at iba pang mga bagay na nagpapakilala ng sining, kalinangan, at kasaysayan ng Bulacan.
Magbukas, sa ilalim ng Instituto ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, ng pormal na kurso na B.S. Local History at Philippine Studies.
No comments:
Post a Comment